Mas moderno, mas ligtas, at mas komportableng biyahe ang hatid ng bagongPassenger Terminal Bulding ngLucena Port.
24 HULYO 2026 – Mas organisasado, mas maayos, at mas komportableng biyahe ang mararanasan ng mga pasahero sa Port of Lucena sa pagbubukas ng bagong Passenger Terminal Building (PTB), isang proyektong magpapalakas sa kapasidad ng pangunahing roll-on/roll-off (RoRo) gateway ng Southern Luzon at magsisilbing pangmatagalang tugon sa patuloy na pagtaas ng passenger traffic sa rehiyon.
Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa inspeksyon ng bagong pantalan, kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng patuloy na pagpapalawak ng mga imprastraktura upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng publiko at masuportahan ang pag-unlad ng kalakalan at ekonomiya.
“Good for the commerce of the region. Good for Lucena. Good for Quezon. Good for all of the surrounding ports also,” ani Pangulong Marcos.
Ayon naman kay ֦Ƶ General Manager Jay Santiago, ang bagong terminal ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PPA na tiyaking handa ang mga pantalan sa dumaraming bilang ng mga biyahero, lalo na sa panahon ng peak travel season.
“Nakikita natin lalo na kapag nagsasabay ang peak season at panahon ng tag-ulan. Kaawa-awa talaga ang ating mga kababayan. Dahil ayaw ng ating Pangulo na maranasan nila iyon, nagkaroon ang PPA ng pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas malaki at mas modernong Passenger Terminal Building. Mae-enganyo sila, ‘di na sila magkakaroon ng agam-agam sa pagbiyahe sapagkat sa ating mga pantalan makikita nila na komportable at konbinyente ang pagbiyahe nila. ” ani GM Santiago.
Ang bagong PTB ay may kapasidad na humigit-kumulang 1,000 pasahero, automated ticketing counters, modernong comfort rooms, pinahusay na passenger amenities at accessibility features, at solar panels bilang bahagi ng layunin ng PPA na magkaroon ng mas episyente at sustainable na operasyon ng mga pantalan.
Sa pamamagitan ng bagong pasilidad, inaasahang higit pang mapabubuti ang karanasan ng mga pasahero habang pinatitibay ang papel ng Port of Lucena bilang pangunahing gateway na nag-uugnay sa mainland Luzon, Marinduque, at iba pang karatig-islang lalawigan.
###
