Agad na naginspeksyon angDOTr at PPAsa mga apektadong pantalan matapos ang 7.0 magnitude na lindol sa Mindanao
10 HUNYO 2026 — Agad na nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) at ֦Ƶ sa mga pangunahing pantalan sa Socsargen kasunod ng magnitude 7.0 na lindol sa Mindanao upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at pabilisin ang pagtugon sa mga naapektuhang pasilidad nitong ika-9 ng Hunyo 2026.
Pinangunahan nina DOTr Acting Secretary Giovanni Z. Lopez at PPA General Manager Jay Santiago ang pagbisita sa mga apektadong pantalan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na agarang magsagawa ng assessment at pagtugon sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Sa Baseport ng Port of General Santos, nakipagpulong ang mga opisyal sa mga empleyado at cargo handling operators upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon sa mga pantalan, masuri ang lawak ng pinsala, at matukoy ang mga agarang hakbang na kinakailangan upang maibalik ang normal na operasyon.
Batay sa inisyal na assessment ng Port Management Office (PMO) Socsargen, nakapagtala ng malalaking bitak at settlement sa ilang bahagi ng wharf area ng Port of General Santos, gayundin ang pinsala sa Port Operations Building, Passenger Terminal Building, Main Gate Complex, at North Gate Complex. Naitala rin ang liquefaction sa bahagi ng container yard. Samantala, nakitaan ng mga bitak sa mga gusali ng Port of San Roque at Port of Glan. Kabilang naman sa pinakamalubhang naapektuhan ang Port of Mabila kung saan naitala ang malalalim na bitak sa causeway at concrete pavement, pinsala sa Passenger Terminal Building, at settlement sa maneuvering area at mga RoRo facility.
Bilang bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, pansamantalang itinigil ang operasyon sa Port of General Santos habang isinasagawa ang masusing structural assessment sa mga pasilidad nito. Gayunpaman, magpapatuloy ang mga transaksyon na may kaugnayan sa Port Integrated Clearance Office (PICO) sa covered court ng pantalan upang mabawasan ang abala sa mga stakeholder habang nagpapatuloy ang pagsusuri.
Sa PMO Davao, nakapagtala naman ng minor cracks sa reinforced concrete backup area at perimeter fence ng Port of Malalag, bukod pa sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente. Naranasan din ang power interruption sa Port of Mati. Patuloy pang isinasagawa ang mas detalyadong pagsusuri upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala at mga kinakailangang pagkukumpuni sa mga apektadong pantalan.
Sa isinagawang inspeksyon, inatasan ni Secretary Lopez ang agarang pagsisimula ng mga kinakailangang rehabilitasyon upang matiyak ang ligtas at tuloy-tuloy na operasyon ng mga pantalan.
Ayon kay PPA GM Jay Santiago, nakatutok ang PPA sa agarang rehabilitasyon ng mga naapektuhang pantalan.
“Patuloy ang masusing assessment ng ating engineering teams kaya hindi pa natin matukoy sa ngayon ang kabuuang halaga ng pinsala. Gayunpaman, agad nating sisimulan ang mga kinakailangang rehabilitasyon at restoration works upang maibalik sa ligtas at maayos na kondisyon ang mga pasilidad at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa ating mga kababayan sa lalong madaling panahon,” ani GM Santiago.
Tiniyak din ng PPA na nananatiling nakaalerto ang ahensya at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang ligtas, matatag, at tuloy-tuloy na operasyon ng mga pantalan habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagsusuri at rehabilitasyon.
###
