PPA inilunsad ang isang digital system na Online Reservation Assistance System (ORAS) para sa mga pasahero tuwing peak season.
24 MARSO 2026 – Inilunsad na ngayong araw ng ֦Ƶ ang Online Reservation Assistance System (ORAS), ang digital solution na inaasahang magsasaayos, magpapabilis, at magiging kasagutan sa taon-taong problema ng mga pasahero patungkol sa reserbasyon ng ticket at magpapadali ng proseso para sa mas episyente at tuloy-tuloy na biyahe sa mga pantalan.
Bilang tugon sa mga reklamo ng mga pasahero at bilang inisyatibo ng PPA upang mapadali ang biyahe lalo na tuwing peak season, mas pinadali na ang pagreserba ng biyahe bago magtungo sa pantalan.
Sa ilalim ng ORAS, tatlong simpleng hakbang lamang ang kailangan: 𝐒𝐜𝐚𝐧. 𝐂𝐡𝐨𝐨𝐬𝐞. 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞.
Sa pamamagitan nito, maaari na lamang mag-scan ng QR code ang mga pasahero kahit wala pa sa pantalan; sa pamamagitan ng website maaari nang mamili ng oras ng biyahe ang pasahero dahil makikita na rin dito ang iskedyul ng mga barko; mag-fill up lamang ng mga detalye na kailangan at mag submit ng selfie o ID bilang patunay ng pagkakakilanlan at antayin ang ORAS PASS o ang QR code na ipepresenta sa pantalan para sa tuloy-tuloy at siguradong ticket sa biyahe.
Paliwanag ni Assistant General Manager for Operations Atty. Mark Palomar, sa ORAS may siguradong slot sa biyahe ang mga pasahero at hindi na kailangang pumila at maghintay nang matagal para lamang magbakasali sa biyahe.
"Those who signed up with the system are guaranteed to ride in that particular time slot. We expect to go live tomorrow or Thursday, you can already sign up for the trip. You will be given a QR code or you can get it from the help desk that we will set up and the validity of that QR code is up to 3 hours prior to the departure," ayon kay Atty. Palomar.
Sa ORAS, hawak ng mga pasahero ang kanilang biyahe dahil maaari na nilang ma-access ang online reservation system sa kani-kanilang mga tahanan.
"This is the solution which the PPA has come up with. We're not interfering with the shipping lines. They can sell their tickets as we stressed earlier. We are not selling tickets. We have talked to MARINA and we will be implementing this system into ports to pilot test it so all vessels from to and from Lucena and to and from Batangas," dagdag pa ni Atty Palomar.
Patuloy rin ang koordinasyon ng PPA sa mga shipping lines at mga katuwang na maritime agencies gaya ng Philippine Coast Guard (PCG) at MARINA. Sa kasalukuyan, magagamit na ang ORAS sa Port of Lucena bilang bahagi ng pilot testing ng bagong digital na sistema. Inaasahan ring gagamitin ang ORAS sa lahat ng pantalan sa ilalim ng PPA.
Patuloy ang pagpapaigting ng PPA ng digitalization efforts nito para sa mas episyente, organisado, at maaasahang serbisyo publiko.
###
